DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:2.14 Maaari ba akong maging isang mabuting Kristiyano kung wala ang Simbahan?
next
Next:2.16 Si Hesus ba ay laban sa mga kababaihan?

2.15 Sino ang mga Apostol? Sino ang mga kahalili nila?

Si Hesus, ang mga Apostol, at ang papa

Sa panahon ng kanyang buhay sa lupa, pumili is Hesus ng labindalawang disipulo o mga Apostol na isinugo niya sa mundo upang tulungan ang mga tao at ipahayag ang mensahe ni Hesus, ang Ebanghelyo, sa kanila. Sa katunayan, ang kahulugan ng salitang apostol ay siya na sinugo.

Matapos ang pagkamatay at pagkabuhay na magmuli ni Hesus, ipinagpatuloy ng mga Apostol ang kanilang gawain [>2.18]. Ipinasa ng mga Apostol ang ministeryong natanggap nila mula kay Hesus sa kanilang mga kahalili, na tinatawag nating mga obispo [>2.10]. Ang mga obispo ngayon ay ang mga kahalili ng mga Apostol, sa pamamagitan ng mahabang linya ng mga hinalinhan. 

Pumili si Jesus ng 12 Apostol para mamuno sa Simbahan, mangasiwa ng mga sakramento, at ipangaral ang Ebanghelyo; ang mga kahalili nila ay ang mga obispo.
The Wisdom of the Church

In the Kingdom, what authority did Jesus bestow upon his Apostles?

Jesus chose the twelve, the future witnesses of his Resurrection, and made them sharers of his mission and of his authority to teach, to absolve from sins, and to build up and govern the Church. In this college, Peter received “the keys of the Kingdom” (Matthew 16:19) and assumed the first place with the mission to keep the faith in its integrity and to strengthen his brothers. [CCCC 109]

In what does the mission of the Apostles consist?

The Word “Apostle” means “one who is sent”. Jesus, the One sent by the Father, called to himself twelve of his disciples and appointed them as his Apostles, making them the chosen witnesses of his Resurrection and the foundation of his Church. He gave them the command to continue his own mission saying, “As the Father has sent me, so I also send you” (John 20:21); and he promised to remain with them until the end of the world. [CCCC 175]

Bakit tinawag ni Jesus ang mga apostol?

Maraming nakapaligid kay Jesus na mga alagad, mga kalalakihan at kababaihan. Mula sa grupong ito ay pumili Siya ng labindalawang lalaki, na tinawag niyang mga → Apostol (Lc 6:12-16). Espesyal niyang tinuruan ang mga apostol at pinagkatiwalaan ng iba't-ibang tungkulin: "Sinugo Niya sila para ipahayag ang kaharian ng Diyos at magbigay-lunas" (Lc 9:2). Itong labindalawa lamang ang Kanyang isinama sa Huling Hapunan kung saan ibinigay Niya sa kanila ang atas: "Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa Akin" (Lc 22:19b).

Ang mga → apostol ang naging saksi sa muling pagkabuhay ni Jesus at tagapanagot sa Kanyang katotohanan. Pinili nilang kahalili sa kanilang mga gawain ang mga → Obispo. Kahit sa kasalukuyan ang mga kahalili ng mga apostol ay ginagamit ang kapangyarihang ibinahagi ni Jesus: Sila ay gumagabay, nagtuturo at nagdiriwang ng banal na Misa. Ang pagkakaisa ng mga apostol ang naging batayan para sa pagkakaisa ng → Simbahan. (→ Apostolic Succession). Sa labindalawa, muling nanguna si Pedro na siyang binigyan ni Jesus ng natatanging awtoridad: "Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang Aking Iglesya" (Mt 16:18). Nanggaling ang pagkapapa mula sa natatanging pagkakatalaga kay Pedro sa gitna ng mga apostol. [Youcat 92]

Bakit tinawag na apostoliko ang Simbahan?

Tinatawag na apostoliko ang → Simbahan, dahil siya na itinatag mula sa mga → apostol, ay kumakapit sa mga tradisyon nito at ginagabayan ng mga humalili sa kanila.

Ipinatawag ni Jesus ang mga → apostol bilang Kanyang mga pinakamalapit na katrabaho. Sila ang mga saksing nakakita sa Kanya. Pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita Siya sa kanila nang maraming beses. Ibinigay Niya sa kanila ang Espiritu Santo at ipinadala sila sa buong mundo bilang Kanyang mga awtorisadong sugo. Sila ang mga tagagarantiya ng pagkakaisa sa batang Simbahan. Pinapasa ang kanilang misyon at pag-awtorisa sa pamamagitan ng pagpapataw ng kamay sa kanilang mga kahalili, ang mga → obispo. Ganito ang nangyayari hanggang ngayon. Tinatawag na → apostolikong pagpapatuloy (apostolic succession) ang prosesong ito. [Youcat 137]

What is apostolic succession?

Apostolic succession is the transmission by means of the sacrament of Holy Orders of the mission and power of the Apostles to their successors, the bishops. Thanks to this transmission the Church remains in communion of faith and life with her origin, while through the centuries she carries on her apostolate for the spread of the Kingdom of Christ on earth. [CCCC 176]

What is the work of Christ in the liturgy?

In the liturgy of the Church, it is his own paschal mystery that Christ signifies and makes present. By giving the Holy Spirit to his apostles he entrusted to them and their successors the power to make present the work of salvation through the Eucharistic sacrifice and the sacraments, in which he himself acts to communicate his grace to the faithful of all times and places throughout the world. [CCCC 222]

This is what the Church Fathers say

Ang sunod-sunod na mga pari ay pinapanatili ako [sa Simbahang Katoliko], simula sa kinauupuan mismo ni Apostol Pedro, na pinagkalooban ng Panginoon, pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na mag-alaga, upang pakainin ang kanyang mga tupa, hanggang sa kasalukuyang obispo. [St. Augustine, Against the Epistle of Manichaus called Fundamental, Chap. 4 (ML 42, 175)]