2.29 Ano ang espirituwal na muling pagsilang na nangyari noong Edad Medya?
Noong Edad Medya maraming tao, relihiyoso at nananampalatayang layko [>3.42], ang nagsimulang mag-isip sa papel ng persona ni Jesus sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa ika-labindalawa at ika-labintatlong siglo maraming bagong monasteryo at relihiyosong orden ang itinatag, gaya ng mga Cisterian, Fransiskano at Dominikano.
Sa ika-labintatlong siglo, ang pag-aaral ng pananampalataya ay nagkaroon ng paglakas dahil sa mga mahuhusay na pagtatalong teolohikong debate (Eskolastisismo). Sa ganitong intelektuwal na kapaligiran, maraming unibersidad ang itinatag. Itinatag rin ang mga kilusang layko para sa mga taong gusto na mamuno sa isang buhay ng panalangin habang nabubuhay “sa mundo”.
Sa bawat henerasyon ng mga santo ay ipinanganak at nagdadala ng pagkamalikhain ng pag-bago na patuloy na kasama ng kasaysayan ng Simbahan sa gitna ng mga kalungkutan at negatibong aspeto na nakatagpo niya sa kanyang landas. Sa katunayan, siglo pagkatapos ng daang siglo, nakikita rin natin ang pagsilang ng mga puwersa ng reporma at pagbabago, sapagkat ang pagiging bago ng Diyos ay hindi mauubos at nagbibigay ng bagong lakas upang magpatuloy. Nangyari din ito noong ika-13 na siglo sa pagsilang at pambihirang pag-unlad ng Mendicant Orders: isang mahalagang modelo ng pagpapanibago sa isang bagong panahon ng kasaysayan. [Pope Benedict XVI, General Audience, 13 Jan. 2010]