4.4 Paano ko masusunod si Hesus, at ano ang aking bokasyon?
Mahal mo ba si Hesus? Kung ang iyong sagot sa katanungang ito ay 'Oo', ang susunod na hakbang ay tanungin ang iyong sarili kung ano ang plano ni Hesus [> 4.2] para sa iyo. Malalaman mo lamang ito sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang paraan sa paggawa nito, kanyang sariling bokasyon.
Ang isang bagay ay tiyak: kung nakita mo ang iyong bokasyon, ikaw ay tunay na magiging masaya. Maaari mo ring malaman kung ano ang balak ni Hesus para sa iyo: pagnenegosyo
[> 4.48], ang pagkasaserdote [> 3.41], pagpapalaki ng mga bata [> 4.19], pagpasok sa relihiyosong buhay [> 2.9] ...
How are the people of God formed?
Among the faithful by divine institution there exist sacred ministers who have received the sacrament of Holy Orders and who form the hierarchy of the Church. The other members of the Church are called the laity. In both the hierarchy and the laity there are certain of the faithful who are consecrated in a special manner to God by the profession of the evangelical counsels: chastity or celibacy, poverty, and obedience. [CCCC 178]
What is the consecrated life?
The consecrated life is a state of life recognized by the Church. It is a free response to a special call from Christ by which those consecrated give themselves completely to God and strive for the perfection of charity moved by the Holy Spirit. This consecration is characterized by the practice of the evangelical counsels. [CCCC 192]
What can the consecrated life give to the mission of the Church?
The consecrated life participates in the mission of the Church by means of a complete dedication to Christ and to one’s brothers and sisters witnessing to the hope of the heavenly Kingdom. [CCCC 193]
Paano itinayo ang kaisa-isa, banal, katoliko at apostolikong Simbahan?
Sa Simbahan ay mayroong mga → Layko at → Pari. Lahat ng anak ng Diyos ay may parehong dangal. Sila ay may mga tungkuling magkakatumbas ngunit magkakaiba. Ang misyon ng mga layko ay ihanay ang buong mundo sa kaharian ng Diyos. Ang serbisyo ng paggabay, pagtuturo at pagpapakabanal sa Simbahan ay iniuugnay sa kanilang inordenahang mga ministro (Kleriko). Sa parehong katayuan ay mayroong mga Kristiyano na inilalaan ang kanilang sarili sa Diyos sa kalinisan (buhay na walang asawa), pagdaralita at pagtalima sa isang espesyal na paraan (halimbawa, ang mga relihiyoso at relihiyosa na nag-alay ng buhay sa Diyos).
Ang bawat Kristiyano ay may katungkulang magbigay saksi sa Ebanghelyo sa sarili nilang buhay. Ngunit may kanya-kanyang paraan ang Diyos sa bawat isa. Ipinapadala Niya ang isa bilang isang → Layko, upang maitayo nila ang kaharian ng Diyos sa gitna ng mundo ng pamilya at trabaho. Para magawa ito, ibinibigay ng Diyos sa kanila sa Binyag at → Kumpil lahat ng kinakailangang mga kaloob ng Espiritu Santo. Iniatas Niya sa iba ang tungkulin ng pagiging pastol; dapat nilang gabayan, turuan at pabanalin ang bayan ng Diyos. Ang tungkuling ito ay hindi maaaring italaga ninuman sa kanyang sarili; ang Panginoon mismo ang dapat magpadala sa kanya at, sa pamamagitan ng ordinasyon, magbigay ng Kanyang sariling banal na lakas para sa kanilang pagdaraanan. Sa gayong paraan ay maaari silang kumilos bilang kinatawan ni Kristo at mangasiwa ng mga → Sakramento. [Youcat 138]
Bakit nais ni Jesus na mayroong mga tao na panghabangbuhay na mabubuhay sa pagdaralita, kalinisan at pagtalima (poverty, chastity and obedience)?
Ang Diyos ay pag-ibig. Hinahangad din Niya ang ating pag-ibig. Isang anyo ng mapagmahal na pagbibigay sa Diyos ay ang mabuhay tulad ni Jesus - iyon ay: sa pagdaralita, kalinisan at pagtalima. Ang sinumang namumuhay nang gayon ay malaya ang isipan, puso at kamay para sa Diyos at sa tao.
Paulit-ulit na ganap na nagpasailalim ang indibidwal na mga tao kay Jesus upang maialay niya lahat para sa Diyos "alang-alang sa kaharian ng Langit" (Mt 19:12)-- tulad ng napakagandang mga kaloob gaya ng sariling ari-arian, sariling pagpapasya at pag-ibig ng mag-asawa. Itong buhay ayon sa → Evangelical Counsels (pagdaralita, → Kalinisan at pagtalima) ay nagpapakita sa lahat ng mga Kristiyano na ang mundo ay hindi lahat-lahat. Ang pakikipagtagpo lamang sa banal na nobyo "nang harap-harapan" ang makakapagpasaya sa tao sa huli. [Youcat 145]
Ilang antas mayroon ang sakramento ng Banal na Orden?
Ang Sakramento ng Banal na Orden ay may tatlong antas: → Obispo (Episkopo), → Pari (Presbitero), → Diyakono (Diyakono). [Youcat 251]
Bakit inilaan ng Diyos ang lalaki at babae para sa isa't isa?
Inilaan ng Diyos ang lalaki at babae para sa isa't-isa upang "hindi na sila dalawa kundi iisang katawan lamang" (Mt 19:6). Sa ganitong paraan dapat nilang isabuhay ang pag-ibig, maging mabunga at maging tanda para sa Diyos mismo, na walang iba kundi nag-uumapaw na pag-ibig. [Youcat 260]
Nais kong ipahayag sa iyo, bilang karagdagan sa tindi ng aking damdamin ng pagmamahal, aking pag-asa. Oo, ang aking pag-asa, sapagkat ikaw ang pangako ng bukas. Ikaw ang pag-asa ng Simbahan at ng lipunan. Ang pagmumuni-muni sa iyo, sa palagay ko ay may kaba at may pagtitiwala sa kung ano ang inilaan para sa iyo sa buhay at kung ano ang makakapunta ka sa mundo ng bukas, at nais kong iwan ka, bilang isang viaticum para sa iyong buhay, tatlong mga saloobin: hanapin Si Jesus, mahalin si Hesus, magpatotoo kay Hesus. [Pope John Paul II, Address to Italian youth, 8 Nov. 1978]