5.15 Ano ang itinuturo ng Bibliya kapag nakaharap ang isang krisis?
Una sa lahat alalahanin mo na kahit ano ang mangyari, kasama mo si Hesus (Mateo 28:20). Kadalasan inaanyaya ng Bibliya: “Huwag kang matakot” (Isaias 43:1; Lucas 12:32). Maaaring iniisip mo na kontrolado mo ang mga bagay-bagay, kaya ngayong nawalan ka ng kontrol ikaw ay natatakot. Bilang tugon, sikaping sumuko sa lakas na ibinibigay sa iyo ng Diyos (1 Cronica 16:11; Mga Awit 27:1). Hindi ito lakas na magbibigay sa iyo ng pamamahala sa lahat ng bagay. Mas higit ito: sa pagtanggap ng iyong kahinaan at paglaganap ng pagmamahal ng Diyos saan ka man magpunta, nilalabanan mo ang kasamaan [>1.34] na pinapangyari ng krisis na ito dahil hindi ka sumuko sa makasariling takot. Tandaan, hindi pangangatwiran ang krisis para maging makasarili! Ang kabaligtaran ang totoo: “Pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot” (1 Juan 4:18). Magbahagi sa mga nangangailangan sa halip na buong-kasakimang mag-imbak ng labis-labis.
Narito ang limang mga talata sa Bibliya na maaaring makatulong sa iyo:
- “Lumapit kayo kay Yahweh upang tulong niya’y hingin, sa tuwina’y parangalan siya at sambahin” (1 Cronica 16:11).
- “Ang Diyos ay pag-ibig… Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin” (1 Juan 4:16-19).
- “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan” (Mateo 11:28).
- “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingay sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus” (Filipos 4:6-7).
- “Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan. Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika’y aking kaagapay” (Mga Awit 23:1-4).