DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:4.43 Pinapayagan ka ba na gumamit ng puwersa upang ipagtanggol ang iyong sarili?
next
Next:4.45 Ang Katolikong katuruang panlipunan ba ay tungkol sa pag-aalaga ng mahirap?

4.44 Puwede ba na ang mga Kristiyano ay magpatala sa hukbong sandatahan o magsimula ng mga digmaan?

Lipunan at pamayanan

Napaka-Kristiyano upang makatulong na makamit ang kapayapaan at katiwasayan.Ito ay isang tiyak na gawain ng hukbong sandatahan.  Ang karahasan na minsang pilit na ginagamit ng mga sundalo ay maaaring mabigyang-katwiran kung mayroong isang napipintong banta, kung wala ng iba pang paraan at ang lakas na ginamit ay katimbang sa hangaring hinahangad.     

Sinabi ni Papa Juan Pablo II [>2.50] noong 2003: “Hindi laging maiiwasan ang digmaan.  Ngunit palaging ito ay isang pagkatalo para sa sangkatauhan.”

Ang pagtatrabaho patungo sa kapayapaan at hustisya ay napaka-Kristiyano. Minsan hindi maiiwasan ang digmaan, ngunit palaging ito ay isang pagkatalo para sa sangkatauhan.
The Wisdom of the Church

What does the Lord ask of every person in regard to peace?

The Lord proclaimed “Blessed are the peacemakers” (Matthew 5:9). He called for peace of heart and denounced the immorality of anger which is a desire for revenge for some evil suffered. He also denounced hatred which leads one to wish evil on one’s neighbor. These attitudes, if voluntary and consented to in matters of great importance, are mortal sins against charity. [CCCC 480]

What is required for earthly peace?

Earthly peace requires the equal distribution and safeguarding of the goods of persons, free communication among human beings, respect for the dignity of persons and peoples, and the assiduous practice of justice and fraternity. [CCCC 482]

In danger of war, who has the responsibility for the rigorous evaluation of these conditions?

This responsibility belongs to the prudential judgment of government officials who also have the right to impose on citizens the obligation of national defense. The personal right to conscientious objection makes an exception to this obligation which should then be carried out by another form of service to the human community. [CCCC 484]

In case of war, what does the moral law require?

Even during a war the moral law always remains valid. It requires the humane treatment of noncombatants, wounded soldiers and prisoners of war. Deliberate actions contrary to the law of nations, and the orders that command such actions are crimes, which blind obedience does not excuse. Acts of mass destruction must be condemned and likewise the extermination of peoples or ethnic minorities, which are most grievous sins. One is morally bound to resist the orders that command such acts. [CCCC 485]

What must be done to avoid war?

Because of the evils and injustices that all war brings with it, we must do everything reasonably possible to avoid it. To this end it is particularly important to avoid: the accumulation and sale of arms which are not regulated by the legitimate authorities; all forms of economic and social injustice; ethnic and religious discrimination; envy, mistrust, pride and the spirit of revenge. Everything done to overcome these and other disorders contributes to building up peace and avoiding war. [CCCC 486]

Ano ang kapayapaan?

Ang kapayapaan ay resulta ng katarungan at tanda ng pag-ibig na isinakatuparan. Kung nasaan ang kapayapaan, doon "makapagpapahinga ang bawat nilalang sa isang mabuting kaayusan" (Santo Tomas de Aquino). Ang kapayapaan sa lupa ay isang larawan ng kapayapaan ni Kristo na siyang ipinagkasundo ang langit at lupa.

 

Ang kapayapaan ay higit sa kawalan ng digmaan, higit din sa isang maingat na timbang ng balanse ng kapangyarihan ("balanse ng pagkatakot"). Sa kalagayan ng kapayapaan, ang tao ay maaaring mamuhay nang sigurado sa kanilang makatarungang nakuhang ari-arian at pangalagaan ang isa't-isa sa malayang pakikipag-palitan. Sa kapayapaan, iginagalang ang dangal at karapatan ng bawat isa at ng mga tao na magpasya. Sa kapayapaan, minamarkahan ng kapatiran ng pagkakaisa ang samahan ng mga tao. [Youcat 395]
 

Paano hinaharap ng isang Kristiyano ang galit?

Sinabi ni Apostol San Pablo: "Kung magalit man kayo, huwag kayong magkasala; huwag palubugin ang araw sa inyong galit." (Ef 4:36)

Una sa lahat, ang galit ay isang natural na emosyon, bilang reaksyon sa nararamdamang kawalan ng katarungan. Gayunpaman, kapag ang galit ay naging poot at hinangad ang masama sa kapwa, magiging isang masamang asal laban sa pagmamahal ang isang normal na damdamin. Ang anumang di-mapigilang galit, lalo na ang pag-iisip ng paghihiganti, ay nakatuon laban sa kapayapaan at sinisira ang "kapayapaan ng kaayusan." [Youcat 396]

Ano ang paningin ni Jesus tungkol sa kawalan ng karahasan?

Mataas ang pagtingin ni Jesus sa mga kilos na hindi gumagamit ng karahasan; Kanyang hinikayat ang Kanyang mga alagad: "Huwag ninyong labanan ng masama ang masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, ibaling ang mukha at iharap ang kabilang pisngi." (Mt 5:39)

 

Kanyang tinanggihan si Pedro na nais Siyang ipagtanggol gamit ang karahasan: "Ibalik mo ang tabak sa sukbitan nito" (Jn 18:11). Si Jesus ay hindi nanawagang gumamit ng mga armas. Nanahimik siya sa harapan ni Pilato. Ang Kanyang naging daan ng krus, iligtas ang mundo sa pamamagitan ng pag-ibig at tawaging mapalad ang mga tagapamayapa. Samakatuwid, iginagalang din ng Simbahan ang mga taong tumatangging manilbihan sa sandatahan dahil sa kanilang konsiyensiya, ngunit sa halip ay inilalagay ang sarili sa serbisyo ng komunidad. [Youcat 397]
 

Dapat bang maging pasipista ang mga Kristiyano?

Ipinaglalaban ng Simbahan ang kalayaan, ngunit hindi ito kumakatawan para sa pasipismo. Hindi maaaring ipagkaila sa indibidwal o mga yunit ng estado at mga komunidad ang pangunahing karapatang ipagtanggol ang sarili at magdepensa sa pamamagitan ng sandata. Ang digmaan ay moral na makatuwiran lamang bilang huling pamamaraan.

Ang Simbahan ay malinaw na hinihindian ang digmaan. Dapat gawin ng mga Kristiyano ang lahat ng maaari upang maagang maiwasan ang digmaan: ipinagtatanggol nila ang akumulasyon ng armas at kalakalan nito; nilalabanan nila ang panlahi, etniko at panrelihiyong diskriminasyon; tinutulungan nilang magkaroon ng pagtatapos ang kawalang katarungan sa ekonomiya at lipunan at upang sa gayon ay palakasin ang kapayapaan. [Youcat 398]
 

Kailan pinahihintulutan ang paggamit ng puwersa militar?

Ang paggamit ng puwersa militar ay posible lamang sa matinding kagipitan. Ang mga sumusunod ay pamantayan para sa isang "makatarungang digmaan": 1. ang awtorisasyon ng karampatang awtoridad; 2. isang makatarungang dahilan; 3. isang makatarungang intensyon; 4. dapat maging huling solusyon ang digmaan; 5. ang mga gagamiting pamamaraan ay kailangang proporsyonal; 6. dapat magkaroon ng pagkakataong magtagumpay. [Youcat 399]

This is what the Popes say

[Ikaw, mga sandatahang lakas, ay] nakatuon sa pagtatanggol sa kapayapaan at buhay ... Ang gawain at pagsasakripisyo sa inyong lahat ay makakatulong upang matiyak ang kapayapaan at seguridad ng mga indibidwal at lipunan. Ipagdarasal ko na kayo mismo ay laging mapanatiling ligtas sa pagganap ng inyong mga tungkulin na pang-propesyonal, at na ang mga banal na kaloob ng karunungan at lakas ay sasamahan kayo sa paglilingkod sa inyong sariling mga bansa at sa kapwa kalalakihan at kababaihan. [Pope John Paul II, to the armed forces, 19 Nov. 2000]