3.30 Ano Ang Banal na Tatlong Araw ng Pagdiriwang ng Pagpapakasakit at Pagkabuhay o Easter Triduum, na nagsisimula sa Huwebes Santo?
Si Hesus ay pinahirapan, namatay at nabuhay muli mula sa mga yumao sa loob ng tatlong araw ("Triduum" sa Latin). Ito ang nasa kaibuturan ng pananampalatayang Kristiyano. Sa Huwebes Santo naaalala natin ang Huling Hapunan, ang huling pagkain ni Hesus kasama ang kanyang mga kaibigan.
Sa araw na ito itinatag ni Hesus ang Eukaristiya [> 3.44], kasama ang pagkasaserdote [> 3.41]. Sa Biyernes Santo [> 3.31] inaalala natin ang pagdurusa at kamatayan ni Hesus[> 1.28]. Sa panahon ng Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay[> 3.32] inaalala natin na si Hesus ay nabuhay na muli mula sa mga yumao [> 1.50].
Ano ang nangyari noong Huling Hapunan?
Hinugasan ni Jesus ang paa ng Kanyang mga alagad noong gabi bago Siya mamatay. Kanyang itinatag ang → Eukaristiya at itinatag ang pagkapari ng Bagong Tipan.
Ipinakita ni Jesus ang Kanyang pag-ibig hanggang sa katapusan sa tatlong paraan: 1) Hinugasan Niya ang paa ng Kanyang mga alagad at ipinakita na Siya ay nasa piling natin bilang isang naglilingkod (ikumpara sa Lc 22:27). 2) Kanyang inabangan na parang tanda ang Kanyang mapagligtas na pagdurusa, kung saan binigkas Niya sa mga kaloob ng tinapay at alak ang mga salitang: "Ito ang Aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo..." (Lc 22:19ff). 3) Sa ganitong paraan, itinatag Niya ang → Eukaristiya. Sa Kanyang pag-atas sa mga → apostol ng: "Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa Akin" (1 Cor 11:24b), ginawa Niya sila na mga → pari ng Bagong Tipan. [Youcat 99]
"Gawin ito bilang pag-alaala sa akin" (Lk 22:19) ... Naunawaan ba ng mga Apostol na lumahok sa Huling Hapunan ang kahulugan ng mga salitang binigkas ni Cristo? Marahil hindi. Ang mga salitang iyon ay magiging malinaw lamang sa pagtatapos ng Sagradong Triduum sa oras mula Huwebes ng gabi hanggang Linggo ng umaga ... Sa bawat pagdiriwang ng Eukaristiya, espirituwal na dinadala tayo pabalik sa pasidal na Triduum: sa mga kaganapan sa gabi ng Banal Huwebes, sa Huling Hapunan at sa sumunod dito. [Pope John Paul II, Ecclesia de Eucharistia, n. 2-3]