
1.20 Paano mo malalaman kung ano ang literal na totoo sa Bibliya, at ano ang hindi?
Binigay ni Hesus ang Espiritu Santo bilang tagatulong sa kayang mga Apostoles, upang maintindihan at maipamahagi ang Ebanghelyo. Tumutulong pa rin ang Espiritu Santo sa Simbahan para maipaliwanag nang wasto ang Bibliya.
Halimbawa, maraming mga komentaryo sa Bibliya na isinulat ng mga santo, mga papa, at mga Konseho ng Simbahan. Sa tulong ng Simbahan, nakakatulong ang mga tekstong ito para maunawaan natin ang Bibliya. Sa ganitong paraan, makikita natin alin ang mga parteng dapat bigyan ng literal na pagpapakahulugan, at aling parte ang isinulat bilang makatang pananalita o metapora para ipaliwanag ang mas malalim na katotohanan.
How is Sacred Scripture to be read?
Sacred Scripture must be read and interpreted with the help of the Holy Spirit and under the guidance of the Magisterium of the Church according to three criteria:
- it must be read with attention to the content and unity of the whole of Scripture;
- it must be read within the living Tradition of the Church;
- it must be read with attention to the analogy of faith, that is, the inner harmony which exists among the truths of the faith themselves.
[CCCC 19]
Paano ang tamang pagbabasa ng Biblia?
Binabasa nang tama ang Banal na Kasulatan kapag ito ay binasa nang nagdarasal, ibig sabihin, binabasa sa tulong ng Espiritu Santo, na siyang nag-impluwensiya sa pagkakasulat ng Biblia. Ito ay salita ng Diyos at naglalaman ng mahalagang mensahe ng Diyos sa atin.
Ang Biblia ay parang isang mahabang liham ng Diyos sa bawat isa sa atin. Kaya dapat kong tanggapin ang Banal na Kasulatan nang may dakilang pag-ibig at paggalang: una, tunay na basahin ang liham ng Diyos, ibig sabihin, hindi mamimili ng ilang babasahin at babalewalain ang kabuuan. Pagkatapos ay dapat ko ngayon bigyang-kahulugan ang kabuuan tungo sa pinakapuso at misteryo nito: kay Jesukristo, na siyang tinutukoy ng buong Biblia, pati na rin ng Matandang Tipan. Kaya kinakailangan kong basahin ang Banal na Kasulatan sa parehong buhay na pananampalataya ng Simbahan, na siyang pinagmulan ng Banal na Kasulatan. [Youcat 16]
Dahil sa lalim ng Banal na Kasulatan, ang lahat ay hindi tanggap ito sa isa at sa parehong kahulugan, ngunit naiintindihan ng isa ang mga salita nito sa isang paraan, isa pa sa iba pa ... Samakatuwid, ito ay kinakailangan, dahil sa napakaraming mga kasalimuutan ng naturang iba't ibang pagkakamali, na ang panuntunan para sa tamang pag-unawa sa mga propeta at apostol ay dapat na naka-frame alinsunod sa pamantayan ng interpretasyong Eklesiyaliko at Katoliko. [St. Vincent ng Lerins, Commonitory, Chap. 2 (ML 50, 639)]