4.12 Ano ang biyaya?
Ang Biyaya ay regalo ni Hesus sa atin, isang regalong nagbibigay buhay sa atin (Jn. 1:17)Jn. 1:17: "Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo”.. Sa pamamagitan ng kanyang biyaya tinutulungan tayo ng Diyos na maniwala, upang makapasok sa pakikipagkaibigan sa Diyos, at mabuhay bilang mga Kristiyano.
Binabago ng Biyaya ang ating pag-uugali sa mundo: maraming mga bagay na madalas na tila napakahalaga (pera, pag-aari, kapangyarihan, iyong katungkulan) ay biglang mas hindi gaanong mahalaga [>4.8]. At ang iba pang mga bagay ay nagiging mas mahalaga [>4.7], tulad ng pagmamahal sa Diyos at iyong kapwa [>4.45].
Ano ang biyaya?
Ang pagkakaintindi natin sa biyaya ay ang malaya at puno ng pagmamahal na pagbaling ng Diyos sa atin, ang Kanyang matulunging kabutihan, at ang lakas sa buhay na nanggagaling sa Kanya. Ganap na bumabaling sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng krus at muling pagkabuhay at ibinabahagi sa atin ang biyaya. Ang biyaya ay lahat ng ipinagkakaloob sa atin ng Diyos nang hindi tayo kailanman karapat-dapat dito.
Sabi ni Papa Benito XVI, "Ang biyaya ay isang pagsulyap ng Diyos sa atin, ang paghaplos sa atin ng Kanyang pag-ibig." Ang biyaya ay hindi isang bagay kundi ang pagbabahagi ng Diyos ng Kanyang sarili sa tao. Ang Diyos ay hindi kailanman nagbibigay nang mas kaunti kaysa Kanyang sarili. Sa biyaya, tayo ay napapasa-Diyos. [Youcat 338]
What is the grace that justifies?
That grace is the gratuitous gift that God gives us to make us participants in his trinitarian life and able to act by his love. It is called habitual, sanctifying or deifying grace because it sanctifies and divinizes us. It is supernatural because it depends entirely on God’s gratuitous initiative and surpasses the abilities of the intellect and the powers of human beings. It therefore escapes our experience. [CCCC 423]
What other kinds of grace are there?
Besides habitual grace, there are actual graces (gifts for specific circumstances), sacramental graces (gifts proper to each sacrament), special graces or charisms (gifts that are intended for the common good of the Church) among which are the graces of state that accompany the exercise of ecclesial ministries and the responsibilities of life. [CCCC 424]
Ano ang ginagawa sa atin ng biyaya ng Diyos?
Pinapapasok tayo ng biyaya ng Diyos sa pinakaloob na buhay ng Tatlong Persona sa Isang Diyos, sa pagpapalitan ng pag-ibig sa pagitan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Binibigyan tayo nito ng kakayahang mabuhay sa pag-ibig ng Diyos at kumilos mula sa pag-ibig na ito.
Ang biyaya ay ipinunla sa atin mula sa itaas at hindi maaaring ipaliwanag mula sa makamundong kadahilanan (supernatural grace). Higit sa lahat sa pamamagitan ng binyag, ginagawa tayo nitong mga anak ng Diyos at tagapagmana ng langit (sanctifying or divine grace). Pinagkakalooban tayo nito ng isang nananatiling panloob na pagkiling sa kabutihan (habitual grace). Tinutulungan tayo ng biyaya na kilalanin, gustuhin at gawin ang lahat ng nagdadala sa atin sa kabutihan, sa Diyos at sa langit (actual grace). Sa isang natatanging paraan, ang biyaya, ayon sa kalooban ng ating Tagapagligtas, ay nagaganap sa mga → Sakramento na siyang dakilang lugar ng pagtatagpo sa Diyos (sacramental grace). Naipapakita rin ang biyaya sa natatanging mga kaloob na biyaya na ibinibigay sa indibiduwal na mga Kristiyano (→ karisma) o sa espesyal na mga lakas na ipinangako sa katayuan ng buhay-mag-asawa, banal na orden at espirituwal na katayuan (grace of vocation). [Youcat 339]
Dalangin at petisyon natin na ang kalooban ng Diyos ay magawa sa atin. Upang magawa ito sa atin, kailangan ang Kalooban ng Diyos, iyon ay, ng kanyang tulong at proteksyon, sapagkat walang sinuman ang malakas sa kanyang sariling lakas, ngunit ligtas sa pamamagitan ng induluhensya at awa ng Diyos. [St. Cyprian, The Lord's Prayer, Chap. 14 (ML 4, 528)]