DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:2.19 Bakit inusig ng mga Romano ang mga Kristiyano?
next
Next:2.21 Paano naiayos ang unang Simbahan?

2.20 Ano ang nagbago kay Emperador Constantino?

Mga Romano, Konseho, at mga Ama ng Simbahan

Noong 312 MK, natalo ni Constantino ang kanyang kalaban at pagkatapos ay naging pinuno ng buong Emperyong Romano. Bagaman nabingyagan lamang siya sa pagtatapos ng kanyang buhay, sa katunayan siya ang unang emperador na Kristiyano.

Sa “Kautusan ng Milan”, nagpasiya si Constantino na ang mga Kristiyano ay hindi na dapat pang usigin, at ang mga pag-aari na kinuha sa kanila ay dapat ibalik. Ang mga Kristiyano ay maaari nang hayagang mamuhay sa kanilang pananampalataya, at maging bahagi ng   tagapangasiwa ng emperyo.

Noong 313, binigyan ni Constantino ng legal na pagkilala at proteksyon ang mga Kristiyano. Ang Simbahan ay mabilis na lumago at naging maimpluwensya.
This is what the Popes say

Ang Konseho ng Nicaea, ang unang Konseho ng Ecumenical, [ay] tinalaga ng Emperor Constantine noong Mayo 325 A.D. upang matiyak ang pagkakaisa ng Simbahan. Sa gayon ang mga Nicene Fathers ay nasagot ang iba`t ibang mga isyu at pangunahin ang malubhang problema na lumitaw ilang taon na ang nakalilipas mula sa pangangaral ng pari ng Alexandria na si Arius ... Si Constantine ay hindi masyadong nag-aalala sa teolohiko na katotohanan ngunit sa pagkakaisa ng Empire at mga problemang pampulitika nito. [Pope Benedict XVI, General Audience, 20 June 2007]