4.46 Makasalanan ba ang pagsusugal, bawal na gamot, alak, o labis na kayamanan?
“Ang labis” ay halos hindi isang magandang palagay. Lalo na ito ang dahilan na malagay mo sa panganib ang iba o ang iyong sarili sa iyong pag-uugali. Ang pag-inom ng alak ay hindi kasalanan, ngunit kasalanan kung uminom ng labis (Rom.13:13)Rom.13:13: "Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan”..Ang pagsusugal ay ang pagtaya ng pera o iba pang mga bagay na may halaga sa isang laro ng pakikipagsapalaran. Ito mismo ay hindi kasalanan. Ang panganib ay maaari kang madala ng kasakiman o pagkahilig sa laro.
Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot (maliban sa mga kadahilanang paggagamot) ay isang malubhang kasalanan, sapagkat maaari itong malubhang makapinsala sa iyong kalusugan at iyong buhay. Ang totoong buhay sa langit [>1.45] ay ang ating tanging
Maaari bang makibahagi ang isang Kristyano sa pataya at pagsusugal?
Ang pagtaya at pagsusugal ay nagiging imoral at mapanganib kapag nilalagay sa panganib ng manlalaro ang kanyang kabuhayan. Mas malala pa ito kapag nilalagay niya sa panganib ang kabuhayan ng ibang tao, maging ang mga ipinagkatiwala sa kanya.
Lubhang moral na kaduda-dudang gumamit ng malalaking halaga sa pagsusugal, habang nagkukulang ang iba sa mga mahahalagang bagay upang mabuhay. Bukod rito, ang pagtaya at pagsusugal ay maaaring nakakaadik at gawing alipin ang mga tao. [Youcat 434]
What duty do we have toward our body?
We must take reasonable care of our own physical health and that of others but avoid the cult of the body and every kind of excess. Also to be avoided are the use of drugs which cause very serious damage to human health and life, as well as the abuse of food, alcohol, tobacco and medicine. [CCCC 474]
Bakit isang kasalanan ang paggamit ng droga o ipinagbabawal na gamot?
Ang pagkonsumo ng mga ipinagbabawal na gamot ay isang kasalanan dahil ito ay isang kilos na sinisira ang sarili at sa gayon ay isang paglabag sa buhay na ibinigay sa atin ng Diyos mula sa pagmamahal.
Ang bawat pagkalulong ng isang tao sa mga legal (alkohol, droga, tabako) at, lalong higit pa, sa mga ilegal na droga ay isang pakikipagpalit ng kalayaan laban sa pang-aalipin; sinisira nito ang kalusugan at buhay ng mga apektadong tao at nagdudulot din ng malubhang pinsala sa kapwa tao. Ang pagpapakawala ng sarili at pagkalimot sa sarili sa kalasingan, kung saan din maaaring mapabilang ang labis na pagkain at pag-inom, pagpaparaya sa sekswalidad, o pagkarera ng sasakyan, ay paglustay ng pantaong karangalan at kalayaan, at samakatuwid ay isang kasalanan laban sa Diyos. Ito ay dapat pag-ibahin sa makatuwiran, may kamalayan at katamtamang paggamit ng mga bagay na nagbibigay kasiyahan. [Youcat 389]
Ang bawat isa sa atin ay maaaring mag-isip nang tahimik ng mga taong nabubuhay na walang pag-asa at napuno ng malalim na kalungkutan kung saan sila nagpupumilit na lumabas, na naniniwala na natagpuan nila ang kaligayahan sa alkohol, sa droga, sa pagsusugal, sa lakas ng pera, sa sekswalidad walang pigil sa mga panuntunan .... Gayunpaman mas lalo nilang nabigo ang kanilang mga sarili at kung minsan ay inilalabas ang kanilang galit laban sa buhay na may marahas na pag-uugali na hindi karapat-dapat sa tao. [Pope Francis, Address, 17 June 2013]